‘Abot-Kamay Na Pangarap’ viewers, tawang-tawa nang magkalat ng baho si Moira sa Masquerade Ball

Imbes na si Lyneth, si Moira ang napahiya sa party sa #AbotKamayNaPangarap!

Aliw na aliw ang viewers sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na may hashtag na #Purgaparty.

Sa katatapos lang na episode ng serye, natunghayan kung paano hinintay ni Moira (Pinky Amador) na sumakit ang tiyan ni Lyneth (Carmina Villarroel).

Habang nasa dance floor ang lahat, inobserbahang mabuti ni Moira si Lyneth kung ano ang mangyayari rito matapos niyang lagyan ng pampurga ang tumbler nito.

Walang kaalam-alam si Moira na nakita pal ani Lyneth ang kanyang ginawa kaya gumawa siya ng paraan para ang una ang makainom ng tinimplahan niyang kape.

Makalipas ang ilang oras, nagkunwari si Lyneth na masakit ang kanyang tiyan at nagulat siya nang alukin siya ni Moira ng gamot.

Kasunod nito, sumakit ang tiyan ni Moira at siya pa ang nagkalat ng nakakadiring amoy sa mismong party imbes na dapat ay si Lyneth ang mapapahiya sa maraming tao.

Pinilit niyang umalis agad ngunit hindi na niya kinaya kaya’t naamoy na ng mga tao ang mabahong amoy mula sa sakit ng kanyang tiyan.

Susundan dapat ni Doc RJ (Richard Yap) si Moira ngunit pinigilan siya ni Lyneth.

Narito ang naging reaksyon at komento ng viewers at netizens sa nangyari kay Moira:

Panoorin ang nakakaaliw na eksenang ito:

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA:

Check Also

ABOT KAMAY NA PANGARAP:377 MERKULES FULL EPISODE MOIRA AT ZOEY NAPAKULONG NI LOLO PEPE NAPAIYAK SI Z

ABOT KAMAY NA PANGARAP:377 MERKULES FULL EPISODE MOIRA AT ZOEY NAPAKULONG NI LOLO PEPE NAPAIYAK SI Z

ABOT KAMAY NA PANGARAP:377 MERKULES FULL EPISODE MOIRA AT ZOEY NAPAKULONG NI LOLO PEPE NAPAIYAK …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *